Oo, para sa’yo ang site na ‘to… O siguro para na rin sa ibang makikibasa na napadpad lang dito.

Pero may hiling sana ako sa’yo. Pwede bang buksan mo ang mga sulat according sa category kung ano’ng nararamdaman mo sa araw na binuksan mo? ‘Yun lang naman. Simpleng request lang, na sana pagbigyan mo. Para ‘di mo agad matapos ang laman ng site na ‘to… Iilan pa lang din naman k’se ang nasulat ko. Ska para kunwari alam ko ang kwento, alam ko kung ano’ng nararamdaman mo, tulad lang dati, na lagi akong present sa buhay mo, laging online para makinig sa mga kwento ng araw mo, laging ready tumakbo patungo sa’yo basta kailangan mo.

Meron din namang sulat for the day. ‘Wag nang madaliing basahin agad ‘yung ibang sulat.

Para sa mga piling pagkakataon ang mga sulat, ireserve mo na lang sila sa panahong kailangang kailangan mo.

Sana lang maalala mo sila sa panahon na ‘yun.

Sana maalala mo ako sa mga panahon na ‘yun.

-ang Best Supporting Actor ng buhay mo.

 

Advertisements